Saturday, August 14, 2010

Pamarawan isang Larawan....

Maraming bagay sa ating buhay ang hindi na maaring ibalik pa.Masaya man o malungkot.ito ay ating babalik tanawan na lamang sa isang litratong tila magpapaala na minsan ay sumayad sa ating buhay ang isang makabuluhang buhay na minsan ay bumuo sa ating pagkatao.Hinding hindi ko malilimutan ang paglagi ng aking buhay sa paaralang nagmistulang isang tahanan para sa amin.Ang aming mga guro na nagmistulang aming mga magulang at kami bilang magkakapatid.Ang mga ito ay aking dinanas sa maliit ngunit puno ng pag-ibig na paaralan ang Pamarawan.Ang mga guro sa paaralang ito ay hindi ikalawang magulang para sa amin,sila rin ay itinuring naming bilang tunay na magulang at bilang matalik na kaibigan.Napakadaling lapitan ng mga guro ditto.Bukas lagi ang kanilang mga palad upang alalayan ang bawat isa sa amin.

Ang mga guro din dito ay isang bayani at ang kanilang pagtuturo ay isang misyon,dahil araw-araw ay binabagtas nila ang napakahabang ilog makapagturo lamang ditto.Kung minsan ay nararanasan pa nila ang napakalaking alon sa dagat kapag may bagyo.hinding-hindi rin mawawaglit saisp ko ang mga oras na nakababad an gaming mga paa sa tubig-baha.dahil sa kalapitan sa dagat ay nagmistulang atlantika ang aming paaralan.kahit hanggang binti na ang tubig ay nagtuturo pa rin an gaming mga guro para maibahagi lang ang kanilang kaalaman sa amin.

Ang saya ng nakaraan ay mahirap ng balikan.ang apat na taong pananalagi naming sa munting tahanan ito ay kayang punan kung nasaan kami ngayon…

-wesley-

No comments:

Post a Comment