Saturday, August 14, 2010

Isang Paaralan Isang tahanan...

Tiaong National High School(TNHS) ang paaralang aking pinagtapusan.kakaiba ang aking paaralan sapagkat hindi ito matatagpuan sa barangay Tiaong na sya nitong pangalan.Bakit nga ba? May kaliitan kasi an gaming paaralan na unang nakatatag sa aming barangay.at dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral kinakailangang ilipat sa mas malaking lugar ang aming paaraalan.Ngunit ng mga panahong iyon ay walang makitang lugar sa aming barangay na maaring paglipatan nito.at ang nakikita nilang lugar na tamang tamang paglipatan ay sa Brgy.Pulong Gubat.ngunit maraming magulang ang hindi sang-ayon na ilipat sa ibang barangay ang aming paaralan.kaya hinati sa dalawa an gaming paaralan upang hindi maapektuhan ang mga mag-aaral.Ang 1st year at 2nd year ay nanatili sa aming barangay at ang 3rd year at 4th year naman ay inilipat sa Brgy.Pulong Gubat.tumagal din ng isang taon ang kalagayang ito ng aming paaralan bago napagkasunduang ito’y ilipat.Ngunit mananatili pa rin ito sa dati nitong pangalan na Tiaong National High School (TNHS).

Ang paaralan ding ito ay nagsilbing pangalawang tahanan para sa akin.Nakatagpo ako ng maraming kaibigan at ng pangalawang mga magulang sa katauhan ng aking mga butihing guro.Sila ay tumayong para kong mga magulang.Sila ay nandyan hindi lang upang ako’y busugin ng kaalamang pang-akademiko kundi upang gumabay,magpayo at magsilbing inspirasyon.at sa panahong dumarating ang pagsubok sila ay lagi kong nalalapitan.Maraming magagandang alaala ang naiwan sa akin sa apat na taon kong pag-aaral dito.at dahil dito ay masasabi kong naging makulay ang aking high school life.

-jaquelyn-

No comments:

Post a Comment