Ang aking eskwelahan na aking pinagmulan ay ang Paaralang Marcelo H. Del Pilar National Highschool isa itong malaking paaralan pang sekondarya ditto sa Malolos Bulacan.kakaiba ito dahil sa paaralng ito ay maraming mag-aaral umaabot ang estudyante ditto sa humigit kumulang sampung libo (1o,ooo) mula 1st year hanggang 4th year.sa dami nito marami din mga seksyon na umaabot na 1-45 ‘pag 1st year,1-40 ‘pag 2nd year,1-37 ‘pag 3rd year at ‘pag 4th year naman ay 1-35.hindi pa dyan kasama ang mga piling mag-aaral na tinatawag na Science Highschool sa bawat taon na may tig-apat sa bawat year (1st year -4th year).meron din kasamang magaaral na tinatawag na SP,ito ay mga magaaral na mga kalahok sa iba’t ibang isports at meron lahat bawat isang antas nakahiwalay sila sa mga regular students.ang mga guro dito ay madami din dahil nga madami ang mga estudyante.masasabi kong kakaiba talagang eskwelahan na pinanggalingan ko dahil sa dami ng mga estudyante dito.
Kakaiba ang eskwelahan ko dahil dito lng may nagaganap na saksakan sa loob ng campus,hindi ko man nasaksihan pero ito ang kuwento ng mga pinsan ko at iba pang mga kakilala ko na may edad sa akin at doon din nagaral.”riot” kung tawagin ika nga, sa eskwelahang ito nagkalat ang mga fraternity at iba’t ibang klaseng samahan na wala talagang patutunguhan.magugulat ka na lang na meron ng nagbabanatan sa tabi mo,iyon pala ay rambol na.darating ang mga guard at syempre matitigil na dahil sa Guidance ang bagsak nila.hindi pa dyan matatapos dahil may kasunod pa na eksena iyon kung hindi hihintayin ka sa gate.may usapan sila sa “Rufina” na lang itutuloy ang labanan.Rufina,isa itong subdivision sa labas ng campus kung saan madalang pa ang mga bahay at duon ang tagpuan ng mga Fraternity pag may pulong o away sila madami din ditto mga nakatambay na estudyante na hindi pumapasok sa klase nila at doon nagiinuman at nagsisigrilyo.dito sa Rufina pag may away Barangay Tanod naman ang humuhuli sa kanila.meron bang Rufina sa ibang eskwelahan o ditto lang sa Marcelo,kakaiba talaga.
Sa Marcelo iba’t iba din kung paano magturo ang mga guro ,merong nakakatakot dahil bigla kang tatawagin,nakakaantok dahil ang hina ng boses,mabait at kung minsan nakakatawa dahil mapagbiro.meron din guro na mukhang may paka mahilig sa babae.lahat na yan ay nararanasan ko sa Marcelo iba’t ibang klaseng guro.magugulat ka na lang pasado mga grado mo kahit ito ay mababa,nakakatuwa dahil ito ay nararanasan kong lahat parte na ng aking buhay.ang masasabi ko lang wala kayo sa School ko,sobrang kakaiba,walang kasing katulad,katangi-tangi……!
-joyce ann-
No comments:
Post a Comment