Sunday, August 15, 2010

MY ALMA MATER,LIPANA

Isang pampubliko at di kalakihang eskwelahan na may limang gusali na binubuo
naman nang humigit kumulang na limampung silid-aralan.Ito ang Felizardo
C.Lipana National High School o mas kilala sa katawagang Lipana,kung saan ito ay
matatagpuan malapit sa simbahan ng Sta. Rita Guiguinto Bulacan.

Karaniwan na sa mga eskwelahan na isunod ang ngalan nito sa mga pangyayari,bagay
o tao na naging parte ng pagkakataguyod nito.Kaya naman ang FCLNHS o Lipana ay
hango sa pangalan ni G. Felizardo C. Lipana na siyang nanguna sa pagpapatayo ng
eskwelahan na ito para sa mga magsisipag-aral sa sekundarya .

Sa simula,kilala ang Lipana bilang Felizardo C.Lipana Memorial High School
dahil na rin sa kakaunti pa lamang ang bilang ng mga estudyanteng
nagsisipag-aral ditto. Ngunit di naglaon,unti-unting nakilaa ang Lipana dahil sa
kalidad ng pagtuturo rito.Unti-unting dumagsa ang mga mag-aaral mula sa
iba’t-ibang karatig lugar,kung kaya’t sa paglipas ng ilang taon mula sa pagiging
Memorial High School ito ay naging National.

Sa ngayon,isa na ang Lipana sa mga eskwelahang lagi na’y pinagdarausan ng mga
seminar at patimpalak.Katulad ng ibang eskwelahan,aktibo rin sa pagsali sa mga
kompetisyon ang Lipana.Lagi na’y kasali ito sa EDIS 1 at 2,Division Level at
Regional.May mga pagkakataong talo at meron namang panalo.

Sa kabila ng lahat,nagkaroon din ng mga pangit na empresyon ang Lipana.Ito ay
dahil sa mga pasaway na Lipanians (tawag sa mga estudyante ng Lipana) na
naglilipana so oras ng klase.Na agad din namang naresolbahan sa tulong ng
Guidance Councelor,Punong Guro at teaching staff.

Kahit ganito ang Lipana, isa lang ang masasabi ko,IM PROUD TO BE A LIPANIAN!

-marijo-

No comments:

Post a Comment