Buwan pa lang ang dumaan simula ng ako'y magtapos mula sa mataas na paaralang Calumpit .naalala ko pa dun ako nagsimulang matuto kung paano tumayong mag-isa,tinuruan kung paano matuto sa takbo ng panahon para maging masihasig sa buhay at para sa darating pang panahon na aming tatahakin para maging ganap na kapaki-pakinabang sa lipunan.Natatandaan ko panung ako'y nag-aaral ang mga lumang pintuan na kulay puti at brown ang palikuran na sinulatan ng iba't ibang estudtante na lubos na pinagbabawal sa aming eskwelahan ang "Vandalism".mayroon ding bagong building na itinatayo sa aming paaralan nung ako'y kasalukuyang nasa ikaapat na taon.Siyempre hindi rin mawawala dyan ang bench na ginagawang tambayan ng ibang estudyante habang oras ng break o lunch.ang school canteen punong-puno sa mga masusustansyang pagkain na inihahain,ngunit syempre hindi rin pahuhuli ang d.c o (dirty Canteen) namin.dito mas marami ang bumibili bukod sa mura na madami ka pang mabibili lalo na kung ang hanap mo ay mga acessories at mga drinks.Meron din ditong "yeks" na simpleng tindahan sa loob ng eskwelahanna na medyo nakukubli dahil sa ito'y sa kasulukan,dito mabibili ang mga P.E,t-shirts ng CAT,uniforn at bukod dito makakabili ka din dito ng school supplies at mga magagaling,mabubuti at masisipag na guro ng CNHS lalong-lalo na ang principal na nagsisislbing gabay sa kanilang mga mag-aaral.bukod pa dito,nariyan din ang commondant ng C.A.T na katuwang ng mga CAT officerspara sa pagiging magaling at tapat na paglilingkod sa paaralan .nariyan din ang "cheering competition",sports parade,volleyball competition at ang chess,meron ding mga sports na inilalaban sa ibang svhool tulad ng badminton,taekwondo at boxing.narito din makikita ang diyaryo ng eskwelahan na BANYUHAY". NGunit kamakailan lang pumunta ko sa dati kong eskwelahan nakita ko ang bagong building,ayos na at lahat ng building ay kinulayan na ng berde bukod sa "JAICA" building na may kulay na puti at gray na ipinatayo ng Japan.don ko lang nalaman na sa bawat araw na dumaan,di ko napapansin na marami na palang nagbago di lamang sakin kundi sa lahat...
-catherine-
No comments:
Post a Comment